16 sugatan sa lindol sa Bukidnon

NANANATILI pa ngayon ang 10 residente sa ospital samantala anim naman ang out-patient na naging sugatan sa naganap na lindol kagabi (Nobyembre 7) sa lungsod ng Valencia, Bukidnon.

Ayon kay Disaster Risk Reduction and Management Counc (DRRMC)-Valencia OIC Captain Larosa, nasa Intensity 5 ang iniulat na lindol at bukod sa mga sugatan ay marami-rami ring mga bahay ang nasira, nag-crack ng mga malalaking business establishment ganun din sa isang ospital.

Isiniguro naman ni Capt. Larosa na ilulunsad nila ngayong umaga ang Actual Survey sa siyudad para kaagad na maipaabot sa mga residente ang caution kung anumang mga lugar ang hindi muna nia dapat puntahan gaya ng mga business establishment.

Nabatid sa ulat ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) na niyanig din ng Intensity 3 ang bayan ng Quezon Bukidnon habang intensity 5.2 din sa lungsod ng Malaybalay, Bukidnon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply