164 pampublikong tsuper, dinampot sa ‘Oplan Isnabero’

UMABOT sa 164 taxi driver ang dinakma ng National Capital Region-Land Transportation Office (NCR-LTO) sa ilalim ng programa ng ahensiya “Oplan” Isnabero.”

Kanina sa pangunguna ni NCR-LTO director Atty. Teofilo “Jojo” Guadiz III katulong si chief of the lady enforcers na si Adele Fabic, 92 na isnaberong tsuper ang dinakip sa may Aurora Blvd. sa Cubao, hanggang sa kanto ng Katipunan Avenue sa Quezon City.

Ayon kay Director Guadiz, lalo pa nilang paiigtingin ang operasyon bilang tugon sa maraming reklamong pinararating sa kanilang opisina laban sa mga abusadong taxi, jeep, bus, truck at private vehicles drivers na patuloy na lumalabag sa batas trapiko.

Sinabi pa ni Guadiz, na sa kautusan ni Transportation Secretary Mar Roxas, lalo pa nilang paiigtingin ang kampanya laban sa mga isnaberong tsuper lalo pa’t papalapit na ang kapasakuhan.

Bukod pa sa ordinaryong araw, inatasan din ni Director Guadiz ang kanyang Lady Enforcers at RLEU na magsagawa rin ng Oplan Isnabero tuwing araw ng Sabado at tuwing rush hours.

Sa ulat naman ni Fabic, 42 sa mga nahuli nila ang inisyuhan ng Temporary Operation Permit (TOP) dahil nadiskubreng halos kolorum ang mga sasakyan ng kanilang nahuli.

Ilan pa sa mga dinakip na paglabag ay mga depektibong tail lights, defective wipers, walang mga seatbelts, naka-tsinela lamang at iba pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply