170 Pinoy apektado ng baha sa Thailand nagpapasaklolo

HUMIHINGI na ng saksaklolo ang mga Pilipino na labis na naapektuhan ng patuloy na pagbaha sa bansang Thailand.

Kaugnay nito dumulog na sa Philippine Embassy ang mga Pinoy upang mabigyan ng ayuda dahil sa patuloy na pagbaha.

Batay sa huling pagtatala ng Philippine Embassy sa Thailand, umabot na sa 170 Pinoy ang nagsilikas dahil sa kalamidad na tinulungan ng embahada.

Karamihan sa mga ito ay pansamantalang naninirahan sa kanilang mga kaibigan o kaanak sa Bangkok.

Nagpadala na rin ang embahada ng team sa Nonthaburi province upang tulungan ang mga kababayan na apektado ng kalamidad na ang ilan ay dinala sa hotel. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply