18 gusali gumuho sa lindol sa Turkey

INAALAM na ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung may mga Pilipinong nadamay sa magnitude 5.7 na lindol na yumanig sa Turkey.

Pinangangambahang marami ang naipit sa 18 gumuhong gusali roon, kabilang na ang dalawang hotel.

Naitala ang epicenter ng lindol sa Van province na nauna nang niyanig ng magnitude 7.2 na lindol na pumatay sa mahigit 600 katao.

Nagtulung-tulong naman ang mga residente at awtoridad sa pagligtas sa mga taong naipit sa mga gumuhong gusali.

Sa kasalukuyan ay patuloy na nagsasagawa ng rescue operation ang pamahalaang Turkey para sa posibleng mailigtas ang mga taong nasa ilalim ng gumuhong gusali.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply