183 nalason sa kinaing bulok na isda

NAPILITANG itakbo sa pagamutan ang may 183 katao na naging biktima ng food poisoning kahapon (Oktubre 31) matapos na kumain ng isda, ayon sa ulat ng Office of Civil Defense South Cotabato.

Base sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, pawang mga magkakamag-anak na bisita sa idinadaos na piging ang mga biktima ng food allergy sa Barangay Lamfugon, T’boli, South Cotabato.

Sa report na ipinarating ni Dr. Rogelio Aturdido Jr. provincial health officer ng South Cotabato sa tanggapan ng NDRRMC-OCD na nakatakdang uulamin sana ng mga bisita ang 16 na tray ng isdang burot sa Tribal Day ng tribung Ubo at T’boli sa nasabing lugar.

Nabatid na napunang hindi na ito sariwa sanhi ng maling pagkaka-imbak kung kaya’t hindi na ito iniluto.

Subalit may mga pamilya pa ring kumuha at nag-uwi nito sa kanilang mga bahay.

Matapos kainin, nakaramdam umano ng pangangati ng katawan at pagsusuka ang mga biktima kung saan karamihan sa mga ito ang dinala sa ospital.

Inihayag naman ni Aturdido na kulang sa preparasyon at hindi na-preserve ng maayos ang nasabing mga isda na naging dahilan ng maagang pagkabulok ng mga ito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply