19-anyos na ina ginahasa ng kapitbahay

GINAHASA ang isang 19-anyos na maybahay ng kanilang kapitbahay na lalaki nang hindi na ito makapagpigil sa matinding pagnanasa sa isang barangay sa Zamboanga City.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jaime Gallego, residente ng Manicahan Village, na dinakip ng pulisya sa isang follow-up operation matapos magreklamo ang biktima laban sa suspek sa Police Station 3 ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay Police Station 3 chief Elmer Acuna,  ang bitima na hindi pinangalanan ay bagong panganak limang buwan pa lamang ang nakakaraan ng pumasok ang suspek sa kanyang tinutuluyang bahay dakong alas-11:00 ng gabi habang siya ay natutulog . Nagising na lamang siya ng maramdamang may humihimas sa kanyang dibdib at nang dumilat siya ay tinutukan siya ng suspek ng hawak nitong patalim. Hindi na nakapalag ang biktima nang hubaran siya ni Gallego at iraos ang makamundong pagnanasa nito sa kanya.

Nakakulong na ang suspek saPolice Station 3 ng Zamboanga habang hinihintay ang pagdinig sa kasong rape na inihain ng biktima. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply