2 anak ni ex-Pagcor Chairman Genuino ipinatawag ng DoJ

NAGPALABAS ngayon ng subpoena ang Department of Justice (DOJ) laban sa dalawang anak ng dating Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) Chairman Efraim Genuino kaugnay sa P3.1 milyon malversation case na isinampa laban sa kanila.

Sa isang-pahinang subpoena na pinirmahan ni prosecution lawyer Mary Jane Sytat, inatasan ng DOJ si Erwin at Anthony Genuino na lumutang bago ang preliminary investigation sa ikalawang palapag ng DOJ Annex Building 2 sa Maynila sa Huwebes, sa ganap na alas-8:30 ng umaga.

Inatasan din ang dalawa na magsumite ng kanilang counter affidavit hinggil sa reklamo na isinama ng kasalukyang Pagcor chairman na si Jorge Sarmiento noong Hulyo.

Sa reklamo ni Sarmiento, 300 metric tons ng bigas umano ang nai-donate ng Japan’s Aruze Corporation noong 2008 na ginamit sa electoral campaign ng dalawa noong May 2010 elections.

Bukod sa mga Genuino, kasama sa mga respondents ay sina dating Pagcor senior vice president for corporate communications Edward King at Los Baños City administrator Mai Mai Tado, na isang opisyal ng Trace Computer College na pag-aari ng mga Genuino.

“No postponement will be granted except for valid and meritorious ground,” giit ng DOJ.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply