2 bata nakatakas sa kidnaper

NAKATAKAS ang dalawang estudyante mula sa mga kumidnap sa kanila at inilarawan ang kanilang nasaksihan kung paano inopera ng mga suspek ang katawan ng dalawa pang estudyante at kunin ang mga laman loob ng mga ito sa isang kubo sa lalawigan ng Cagayan de Oro.

Ayon sa mga bata na itinago sa pangalang Anna, 9, at Jenny, 13, mga estudyante ng Bayabas Elementary at National High School, naglalakad sila papasok ng eskwela sa Zone 7 Mahayhay, Barangay Bayabas ng isang itim na van ang huminto at limang lalaki na mga naka-bonnet ang dumapot sa kanila at sapilitan silang isinakay.

Sa loob ng van ay nakita nila ang dalawa pang estudyante na nakasuot ng kapareho nilang uniporme ang tila walang malay.

Binusalan umano ng panyo ang kanilang mga bibig ng mga suspek at dinala sila sa isang kubo sa may Barangay Camaman-an malapit sa isang relocation site sa Bolonsiri.

Sa loob ng kubo nasaksihan ng dalawa ang ginawa ng mga suspek sa dalawang walang malay na estudyante, kung paano ng mga ito hiniwa ang tiyan ng dalawa at kunin ang tila mga kidney, puso at mata ng mga ito.

Nang makita umano ng dalawa na umalis ang mga suspek ay agad silang tumakas sa kubo at humingi ng tulong sa mga residente ng lugar. Nang malaman ng kanilang mga pamilya ang nagyari sa dalawa ay nagtungo ang mga ito sa pulis upang iulat ang pangyayari kung saan kagyat na tinungo ng mga ito ang lugar na tinuran ng mga biktima.

Ayon kay Police Senior Inspector Ariel Pontillas, station commander 1 ng Divisoria, hindi nila maberipika ang kwento ng dalawang estudyante dahil wala umanong bahid ng dugo o ebidensiya na magtuturo na nagkaroon nga ng pagkuha ng laman loob sa kubo.  Subalit iginigiit ng dalawang bata na sigurado sila sa kanilang nakita at tiyak sa kanilang mga pahayag sa pulisya.

Isa umanong residente na malapit sa lugar ang nagsabi sa pulisya na nakita ang dalawang bata na tumatakbo papalayo sa nasabing kubo. Napag-alaman din ng mga operatiba na wala ang caretaker ng kubo ng mangyari ang sinasabing insidente.

Kumbinsido umano si Pontillas na nagkaroon nga ng pagkidnap, subalit malabo pa rin ang kwento ng dalawang bata na may opearesyon sa kubo dahil sa kawalan ng dugo o ebidensiya. Marahil umano ay iniligaw ang mga bata kayat nalimutan nila kung saan ang talagang lugar na pinagdausan ng operasyon ng mga suspek. Wala pa ring mga ulat ng nawawalng bata kayat nakipag-koordinasyon na ang pulisya sa iba pang pulis station sa Carmen.

Irerekomenda umano ng pulisya ang pinaigting na seguridad sa mga paaralan dahil sa pangyayari, gayundin ang police visibility, ang pagsubaybay ng mga magulang sa kanilng mga anak at ang pagiging aktibo ng mga barangay tanod sa kani-kanilng mga barangay. Ben Reyes

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply