2 bayan sa Davao del Norte niragasa ng flashflood

NAKARARANAS ngayon ng flashflood ang dalawang bayan ng Davao del Norte at mahigit 8, 000 pamilya na ang naapektuhan dahil sa walang humpay na buhos ng ulan.

Sa ulat ng Nationa Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga munisipalidad na naapektuhan ay ang Carmen at Braulio Dujali.

Una rito, naitala na rin ang dalawang patay matapos na magdulot ng mga pag-ulan ang Low Pressure Area (LPA) sa bansa.

Kabilang sa mga namatay ay ang 19-anyos na binatilyo na si Brian Reyes na nalunod habang nangingisda sa karagatang sakop ng Brgy. Lapaz, Bamban, Tarlac.

Patay naman nang matabunan ng lupa ang isang Heremia Quales sa Barnagay Balete, Aklan dahil sa landslide.

Patuloy naman ang ginagawan paghahanap ng NDRRMC kung mayroon pang residente na nabaon sa gumuhong lupa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply