2 bebot na miyembro ng ‘Salisi Gang’ tiklo

ARESTADO ang dalawang babaing hinihinalang miyembro ng Salisi Gang kagabi (Nobyembre 27) sa Makati City.

Nabatid na dumagsa sa istasyon ng pulisya ang mga nabiktima ng mga suspek na sina Jocelyn Safi, 29 at Elenita Soriano, 28.

Base pa sa pahayag ng isa sa nabiktima na si Marian Santos , target ng mga nasabing suspek ang mga nagtitinda sa Maya St. Brgy. Rizal, Makati City.

Modus umano ng mga suspek ang pagkukunwari na bibili sa tindahan at pagkatapos ay kukulitin ang mga tindera sabay na sasalisihan ang mga bag at cellphone ng mga ito subalit kagabi, nakuhanan ng picture ng isang mamimili ang mga suspek habang sumasalisi kaya’t agad na ipinarating ito sa mga awtoridad na agad namang dumakip sa mga suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply