2 Bumbay itinumba sa Agusan del Sur

DALAWANG Indian national ang sabay na pinatay ng hindi pa nakikilalang suspek kaninang umaga sa Agusan Del Sur, sa ulat ng pulisya.

Base sa report na ibinahagi ni PNP Public Information Office chief, P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr, naganap ang pamamaslang bandang 6:30 ng umaga sa P-5, Poblacion, Trento municipality, nabanggit na lalawigan.

Kinilala ni Cruz ang dalawang pinatay na sina Manjeet Singh at Sukhinder Singh.

Nabatid na kasalukuyan pang nagsasagawa ng follow up investigation ang Trento Municipal police Office upang kilalanin ang salarin at alamin ang motibo sa pamamaslang.

Hinihinalang may kaugnayan sa negosyo ng dalawang biktima ang motibo sa pamamaril.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply