2 bus nagsalpukan: 7 sugatan sa Makati

PITONG pasahero ang nasugatan makaraang magbanggaan ang dalawang pampasaherong bus sa Southbound ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) bago ang intersection ng Ayala Avenue, Makati City kaninang umaga, Nobyembre 11.

Nabatid sa mga pasahero ng Jell Transport bus (TXG 963), mabilis ang takbo ng sinasakyan nila at natumbok ang likurang bahagi ng Jasper bus (TYI 381).

Sa lakas ng banggaan, napilay ang paa ng driver ng Jell Transport at naputol pa ang manibela nito habang agad namang isinugod sa Ospital ng Makati ang mga sugatan.

Nagdulot ng matinding trapik ang insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply