2 bus nagsalpukan; driver sugatan

ISA ang sugatan makaraang magsalpukan ang dalawang bus sa Ajuy Iloilo kaninang umaga, Nobyembre 15.

Nabatid na nasugatan ang driver ng unit ng Teling bus na bumibyahe ng Capiz-Iloilo matapos mabangga ang isang multicab at Ceres bus sa Brgy. Nabalian, Ajuy, Iloilo.

Lumalabas sa imbestigasyon na nag-overtake ang unit ng Teling bus na minamaneho ng isang Carlos Lachica ng Brgy. Pangi, San Dionesio, Iloilo sa sinusundang multicab na minamaneho naman ng isang guro na si Jun Soledad y Bahanlod, 31, ng Brgy. Malayuan, Ajuy.

Ngunit nakasalubong nito ang unit ng Ceres bus na minamaneho naman ni Gary Allado y Belloga, 34, ng Brgy. Vista Alegre, Anilao, Iloilo.

Unang nabangga ng nag-overtake na bus ang sinusundang multicab at sunod na nabangga ang nakasalubong na bus.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply