2 Comelec commissioner umalma sa pagsasampa ng kaso vs GMA

BINATIKOS ng dalawang Comelec commissioner ang minadaling pagsasampa ng kasong electoral sabotage sa Pasay Regional Trial Court laban sa dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sina Commissioner Armando Velasco at Lucenito Tagle ay pawang mga appointee ni dating Pangulong Arroyo.

Ang dalawa ay hindi bomoto sa DOJ-Comelec joint panel dahil na rin umano sa kakapusan ng oras upang mapag-aralan ang merito ng electoral sabotage ng dating Pangulo.

Ayon pa kay Tagle, nagtaka ito nang magpatawag ng biglaang pagpupulong si Comelec chairman Sixto Brillantres bago pa man magsagawa ng en banc session ang Korte Suprema  kaugnay sa mosyon ng Department of Justice (DOJ) sa ipinalabs na TRO kay GMA laban ssa watchlist order.

Sinasabing ang kasong electoral sabotage ni GMA ay minadali na Comelec upang tuluyan nang maharang ang paglabas ng bansa ng dating Pangulo sa pamamagitan ng pag-isyu naman ng warrant of arrest na isinilbi sa kanya kahapon (Nobyembre 18) ng Pasay RTC sa pamamagitan ng National Bureau of Investigation. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply