2 dating contestant sa StarStruck abswelto sa droga

IBINASURA ng Department of Justice (DOJ) ang kasong illegal drugs laban sa dalawang dating  contestant ng  StarStruck, isang reality show ng GMA Network.

Sa 16-pahinang desisyon, sinabi ng DOJ na  hindi nakitaan ng probable cause upang sampahan sina Vivo Ouano, 21, at Jericho Rizalado, 22, ng paglabag sa Section 15 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinirmahan ang nasabing resolusyon ni Asst. Prosecutor Juan Pedro Navera at inaprubahan ni Prosecutor General Claro Arellano.

Sina Rizaldo at Ouano ay naging kalahok sa third season ng reality show na StarStruck  sa GMA network.

Maliban kay Ouano at Rizalado, kasama rin sina Jojo Pangilinan, 22, at Joshua Cue, 21, na nakasuhan ng nasabing paglabag.

Ibinasura ng korte ang kaso laban sa apat maliban kay Charles Joseph Lacson, 25, ang siyang naatasang  masampahan ng paglabag ng RA 9165.

Si Lacson umano ay nagbebenta ng illegal drugs tulad ng Plentermine at Diazepam.

Matatandaang inaresto ng  mga tauhan ng Antyi-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) sa Town and Country Subdivision sa Antipolo City. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply