2 durog sa road accident sa N. Ecija

PATAY makaraang madurog ang katawan ng dalawang motorcycle rider habang isa ang grabe sa naganap na road accident sa Nueva Ecija kaninang madaling-araw, Nobyembre 15.

Ayon sa panayam ng dzBB kay SPO1 Juan Efren Cara ng Munoz police, naganap ang insidente bandang alas- 3:30 ng madaling-araw sa Maharlika Highway, Brgy. Bantug, Muñoz, Nueva Ecija.

“Dalawa on the spot durog ang katawan, ang isa humihinga, gumawa kami ng paraan na dalhin sa hospital, sa rural health unit ng Muñoz,” ayon kay Cara.

Nakilala naman ang isang nasawi batay sa kanyang ID card na si Benjie Gapus , ng San Jose City.

Nabatid na ang tatlong biktima ay papunta sana ng San Jose City nang maganap ang aksidente.

Batay naman sa hiwalay na ulat ng dzMM, unang na-hit and run ng hindi matukoy na sasakyan ang motorsiklo kung saan nakasakay ang mga biktima at muling nasagasaan ang mga biktima ng isang trailer truck.

Hawak na ng mga pulis ang driver ng truck na nakasagasa sa mga biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply