2 generators tinangay ng mga kawatan

TUMATAGINTING na walong daan libong peso (P800,000.00) ang halagang naitakbo ng mga mangnanakaw matapos tangayin ang dalawang malalaking generators sa kahabaan ng Marcos Highway sa lungsod ng Pasig.

Ayon sa mga saksi, sa pagitan ng 3:00 at 4:00 nitong madaling araw kinuha ng mga holdapers ang nasabing generators at ito ay isinakay sa isang trak na walang plaka.

Maglalaan umano ng P100,000.00 na pabuya ang may-ari ng mga generator para sa dagliang pagkadakip ng mga kawatan.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa naturang kaso.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply