2 holdaper todas engkuwentro

BUMULAGTA ang dalawang hinihinalang holdaper matapos na makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng Manila Police District kaninang madaling araw sa Quiapo,Maynila.

Inilarawan ang isa sa suspek na nakasuot ng denim pants at ang isa naman ay nakasuot ng short pants.

Naganap ang insidente dakong ala-3:00 ng madaling araw sa kahabaan ng Lerma st. malapit sa underpass ng kahabaan ng Quezon Blvd. sa Quiapo, Maynila.

Ayon sa pulisya, ang mga suspek ay sangkot sa mga serye ng panghoholdap ng “riding-in-tandem” sa Metro Manila.

Nabatid na nakatanggap umano ng impormasyon ang pulisya na ipinagmamalaki pa umano  ng mga suspek na sila ang responsable sa pagnanakaw sa mga hardware.

Tiyempo namang mambibiktima ang mga suspek na agad namang naitimbre sa pulisya kaya nang abutan ang mga ito sa lugar at sitahin ng pulisya ay biglang nagpaputok ng baril na ginantihan naman ng mga awtoridad na nagresulta ng kanilang pagkamatay.

Narekober naman ang baril na ginamit ng mga suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply