2 holdaper todas sa parak

BUMULAGTA ang dalawang hinihinalang holdaper matapos na makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad kaninang madaling araw sa Tondo, Maynila.

Inilarawan ang unang suspek  na nasa edad na 30-35, 5’5”,  nakasuot ng  kulay gray short, puting t-shirt, nakasapatos habang ang pangalawang suspek ay may edad na 30-35, nakasuot ng itim na short, itim na pang-itaas, nakasapatos, may suot na wristband sa kaliwang kamay.

Nabatid na isang Michael Arieta ang hinoldap ng mga suspek sa may kahaaan ng Road 10 Sa Tondo kagabi (Nobyembre 16).

Ayon kay Arieta, ihahataid sana umano niya ang kanyang kaibigan para makasakay ng taxi nang bigla na lamang tabihan ng mga suspek na riding in tandem at agad siyang tinutukan ng baril sa tagiliran.

Matapos ang panghoholdap ay agad ding sumibat ang mga suspek kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang biktima na humingi ng tulong sa pulisya.

Tiyempo namang nagpapatrolya ang mobile car 321 ng MPD kaya agad na nakapagresponde at inabutan ang mga suspek sakay ng kulay pulang motorsiklo sa may Moriones st., Tondo.

Nang sisitahin ng mga pulis ang mga suspek ay pinaputukan sila ng mga ito kaya gumanti ng putok ang mga awtoridad dahilan upang tamaan ang mga ito at tumimbuwang sa kalsada.

Narekober naman ang baril .45 caliber revolver na ginagamit ng mga suspek sa panghoholdap. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply