2 holdaper todas sa parak

PATAY ang dalawang holdaper na pawang naka-motorsiklo matapos makabarilan ang mga awtoridad kaninang madaling araw sa Tondo, Maynila.

Nilarawan ang unang suspek na nakasuot ng tsinelas, short denim pants at red shirt habang ang pangalawa ay nakasuot ng green shirt. Kapwa nasa edad na 33 hanggang 35 ang dalawa.

Ang mga suspek ay nangholdap umano ng dalawang babae sa Tutuban Mall malapit sa Divisoria nang masakote ang mga ito sa Narra st. sa nasabing lugar.

Ayon kay Manila Police District Station 2 Chief Superintenden Jemar Modequillo, papauwi na umano ang mga biktima patungong Abad Santos nang hintuan sila ng dalawang naka-motorsiklo at biglang inagaw ang kanilang mga bag.

Nakita naman ng pulis na nakalatag sa lugar ang pangyayari kaya sinita nito ang mga suspek ngunit sa halip na huminto at sumuko ang mga ito ay pinaputukan ang pulis na nagresulta ng kanilang kamatayan.

Ayon kay Modequillo, nagtalaga na ito ng mramaing pulis na naka-uniporme sa Divisoria at Tondo area dahil nagsimula na ang night market sa lugar  ngayong  papalapit na ang kapaskuhan.

Pinayuhan din nito ang mga mamimili na huwag nang magdala pa ng mahahalagang gamit kapag namimili upang hindi maakit ang mga holdaper.

“Huwag tayo magdala ng bagay na makakatawag-atensyon,” anang opisyal.

Narekober sa mga suspek ang .9mm pistol at .22 caliber revolver.

Kahapon lamang ng madaling araw (Nobyembre 17) ay dalawa ring holdaper na riding in tandem ang napatay sa Moriones matapos holdapin ang isang lalaki. Jocelyn Tabangcura-Domenden

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply