2 holdaper utas sa shootout sa Tondo

HINDI umubra sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang dalawang holdaper, matapos makipagbarilan kaninang madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Tinatayang nasa edad 30 hanggang 35 ang isa sa napatay na lalaki na may taas na 5’5”, nakasuot ng gray short, puting t-shirt, samantalang nasa edad 30 hanggang 35, naman ang ikalawang holdaper na nakasuot ng itim na shortpants;  itim na pang-itaas, at may suot na wristband sa kaliwang kamay.

Nabatid sa ulat na isinumite kay P/Sr. Insp. Joselito “Joey” de Ocampo, hepe ng MPD-Homicide Section, isang Michael Arieta ang humingi ng tulong sa nagpapatrulyang tauhan ni P/Supt. Jemar Modequillo, Station Commander ng MPD-Moriones Police Station 2, makaraang hioldapin sa kahabaan ng Road 10, Vitas St.,  Tondo ng dakong 4:30 ng madaling-araw.

Sa salaysay ni Arieta, ihahatid sana niya ang kaibigan na naka-eyeball nang bigla na lamang sumulpot ang mga suspek sakay ng motorsiklo at tinutukan siya ng baril sa tagiliran.

Matapos ang panghoholdap ay agad na tumakas ang mga suspek kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang biktima na humingi ng tulong sa pulisya.

Tiyempo namang nagpapatrolya ang mobile car 321 ng MPD kaya agad na nakapagresponde at inabutan ang mga suspek sakay ng kulay pulang motorsiklo sa may Moriones St., Tondo.

Nang sitahin ng mga pulis ang mga suspek ay pinaputukan sila ng mga ito kaya gumanti ng putok ang awtoridad dahilan upang tumimbuwang ang dalawa.

Narekober naman ang kalibre .45 na baril na ginagamit ng mga suspek sa panghoholdap.

Nakuha rin sa bulsa ng mga ang kuwintas ng biktima at wallet na na may lamang P3,000.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa
pagkakakilanlan ng mga napatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply