2 jail officer nambugbog ng special child, kakasuhan

MAHAHARAP sa kasong kriminal ang dalawang jail officer ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Region 11 na umano’y nambugbog ng isang 15-anyos na special child.

Kasong physical injury, grave threat at violation sa RA 7610 o child abuse ang isasampa laban kina Rosedo Mansawat at Philipp Pińero matapos ireklamo kahapon (Linggo, Nobyembre 6) ng ina ng biktima sa Talomo Police Station.

Ayon sa report, Sabado ng gabi nangyari ang pambubugbog sa mismong bahay ni Mansawata na lasing na lasing noong mga panahong iyon habang nangongolekta ng tirang pagkain ang biktima.

Ayon sa isang testigo, tinawag ng mga suspek ang biktima upang painumin ng alak at nang tumanggi ito ay kinaladkad sa isang tindahan, sapilitang pinainom, binugbog at binantaan na papatayin kung magsusumbong sa mga pulis.

Tumigil lang ang mga suspek nang mapadaan ang mga nagpapatrulyang pulis na agad na inaresto ang dalawa.

Hanggang ngayon, hindi pa nagpapahayag ng statement ang mga suspek pati ang mga opisyal ng BJMP Region 11.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply