2 kilo ng shabu nakumpiska ng PDEA

NASABAT ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang dalawang kilo ng shabu sa isang operasyon na ikinasa sa Cagayan de Oro.

Ang dalawang kilo ng shabu, ay nakumpiska matapos ang ginawang operasyon na pinangungunahan ni Regional Director Roberto Opena sa Cagayan de Oro Miyerkules ng gabi (Nobyembre 23).

Ayon kay Opena, ginawa ang operasyon sa isang malaking establisimiyento at nakuha sa isang Sammy Yusop ang naturang droga na sinasabing nakatakdang ihatid sa isang ka-transaksiyon sa Lanao del Norte.

Nalaman na nagpanggap na taga-Pagadian City ang suspek, ngunit nalaman din na mula ito sa Wa-o Lanao del Norte, na siyang recipient sa box na nilagyan ng mga droga.

Nalaman din na kapatid pala ng suspek ang isang babae na nuhili PDEA-10 noong nakaraang araw sa syudad ng Valencia City, kung saan nakuha ang P600,000 halaga ng droga.

Sa ngayon nahaharap sa kasong illegal drug trafficking ang isinampa ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply