2 solon muntik kuyugin ng mga Mehikano

TATLONG kongresista ang muntik kuyugin sa Las Vegas, Nevada ng mga Mehikano matapos lantarang mag-cheer para kay Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Sa isang press conference, ipinahayag nina Reps. Amado Bagatsing (Manila), Alfredo “Albee” Benitez (Negros Occidental) at Ben Evardone (Eastern Samar) na totoong nakaranas sila ng pambu-bully mula sa mga Mehikano hindi pa man nagsisimula ang labanang Pacquiao-Marquez.

“Outnumbered talaga kami doon,” ayon kay Benitez na labis na ikinapikon ang patuloy na pagbibigay ng negatibong reaksyon ng ilang kongresista gayung wala naman sila sa loob ng gym kung saan ginawa ang salpukan.

Sa panig naman ni Evardone, sinabi niyang “akala ko gugulpihin ako doon.  Hinila lang ako ni dating Congressman Jing Paras.”

Aminado si Evardone na sinasabayan niya ng sigaw ng “talo” sa tuwing sumisigaw ang mga Mehikano ng “Marquez” na ikinapikon ng mga katabi niyang Mehikano.

Giit naman ni Bagatsing na talagang kawawa si Pacquiao dahil paglabas pa lamang nito ay “bino-boo” na siya ng mga Mehikano, lalo aniya nang matapos ang laban kung saan napanatili ng kongresista ang kanyang titulo.

Nanawagan pa ang tatlong kongresista sa local sports analysts at mga kongresista na patuloy na bumabatikos sa naging desisyon na tigilan na ang negatibong opinion ukol sa panalo ni Pacquiao.

Upang lubos na mabura ang pagdududa ay naglabas sina Benitez at Evardone ng resulta ng desisyon ng mga hurado sa boksing na inilabas ng CNN Sports Illustrated.Com.

Nakapaloob dito na sa Total Punches Thrown ni Pacquiao ay 578 samantalang 436 lamang ang kay Marquez.

Si Pacquiao ay may 176 na total punches connected, samantalang si Marquez ay nasa 138 lamang.

Sa power punches thrown naman, si Pacquiao ay nakapagtala ng 274 samantalang 254 lamang kay Marquez.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply