2 kotse nagbanggan: abogado kinuyog

ISANG abogado ang sugatan makaraang kuyugin umano ng mga nakasakay sa isang Mitsubishi Montero nang masagi ng minamaneho nitong Mercedes Benz sa E. Rodriguez Avenue sa Quezon City.

Kinuyog at pinagtulungan umano ng mga anak ni Pie Zialcita si Attorney Roderick Gabrello kung saan nagtamo ito ng black eye, sugat sa ulo at katawan nang masagi ng sinasakyang Mercedes Benz ng abogado ang Mitsubishi Montero ng mga suspek.

Lumabas na lasing ang naturang abogado at nagbanta pang mamamaril kaya’t pinagtulungan itong suntukin.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang tunay na may kasalanan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply