2 menor de edad nalunod sa Agno River

PATAY ang dalawang menor de edad matapos malunod habang naliligo sa Agno River sa Pangasinan.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Lcdr. AlgierRicafrente, ang Coast Guard Station Sual ay nakatanggap ng report mula kay Avenix Arenas ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) Lingayen, Pangasinan hinggil sa insidente.

Nabatid kay Ricafrente na ang mga biktima ay nakilalang sina Abigail Sison, 17, at Russelle KC Macalinao, 11, na kapwa residente ng Alcala, Pangasinan.

Agad namang rumesponde ang CGS Sual personnel at Special Operations Unit at PDRRMC sa lugar upang magsagawa ng search and retrieval (SAR) operations.

Narekober ang katawan ni Sison sa bisinidad ng Poblacion West, Alcala, Pangasinan habang si Macalinao ay natagpuan sa bisinidad ng Brgy. San Vicente ng nasabi ring lugar.

Dinala na ang mga labi ng dalawa sa kani-kanilang pamilya para sa proper disposition. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply