2 milyong kabataan tamad nang mag-aral

PATULOY pa rin ang pagtaas ng bilang ng kabataan na hindi pumapasok sa eskuwelahan kung saan halos dalawang milyon ang tinatamad nang mag-aral.

Ito ay kahit na naglaan na ang pamahalaan ng kaukulang halaga o conditional cash transfer sa mga mahihirap.

Labis tuloy na naalarma si Senador Manny Villar matapos malaman sa 2010 Annual Poverty Indicators Survey (APIS) ng National Statistics Office (NSO) na 6.24 milyon mula sa 39 milyong Filipino na may edad 6 hanggang 24 ang out of school youth (OSY).

Lubhang mataas ito kumpara sa 4.84 OSYs noong 2002.

Sa 6.24 milyong hindi na pumapasok sa eskuwelahan, 28.9 percent o 1.8 milyon ang nagbigay ng rason na masyadong mataas ang gastos sa pag-aaral, 27.5 percent o 1.7 milyon naman ang nagsabing tamad na silang mag-aral habang ang iba ay tumigil sa pag-aaral para makatulong sa kanilang pamilya at ang iba ay tumigil dahil sa gulo sa kanilang lugar tulad sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Matatandaan na isa sa mga kondisyon sa pagbibigay ng CCT sa pamilyang mahihirap ay papasukin sa eskuwelahan ang kanilang anak na may edad 6 hanggang 14 anyos.

Dahil dito, ipinasisilip ni Villar sa Senate committee on education, arts and culture, kung ano ang nararapat na gawin ng gobyerno upang maampat ang pagtaas ng bilang ng out of school youth.

Binanggit ni Villar na mahirap sa mga kabataan ang hindi makapagtapos ng pag-aaral dahil kung yung mga college graduate ay hindi makahanap ng trabaho, lalo pa kaya yaong mga hindi nakapagtapos ng kanilang pag-aaral.

Idinagdag pa ng senador na dapat pangalagaan ng gobyerno ang mga kabataan bilang pag-asa ng bayan, sa pamamagitan ng pagbalangkas ng angkop na mekanismo para maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral upang maging kabahagi sila ng pag-asenso ng ating bansa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply