2 miyembro ng MNLF nasakote

NASAKOTE ng militar ang dalawang miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa bus terminal ng lungsod ng Dipolog kahapon (Nobyembre 1).

Ang dalawang naaresto  ay kinilalang sina  Brigadier General Robert Ladion, 37, residente ng Tipan Gutalac, Zamboanga del Norte na nakabase sa Northern Mindanao at isang Sgt. Romeo Ampoan, 29, residente ng Marawi City.

Ayon sa pulisya, ang dalawa ay kapwa regular na miyembro ng MNLF Armed Forces of Bangsamoro Unified Muslim Christian High Lander.

Ang dalawa ay nakasuot pa ng uniporme ng militar at nakuha mula sa kanilang pag-iingat ang siyam na bala ng .45 caliber.

Matatandaang mahigpit ang ipinatupad na seguridad ng pulisya dahil sa paggunita ng Undas. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply