2 nagpatayan sa lamay ng kaibigan

KAPWA namatay ang dalawang magkaibigan matapos makipaglamay sa patay nilang kaibigan kagabi (Nobyembre 22) sa Capiz.

Batay sa ulat, nakikpaglamay at nagiinuman ang mag-kumpareng Ronal Edia at Rodel Fukbit sa bahay ng kanilang namatay na kaibigan.

Dahil sa sobrang kalasingan  at sa hindi malamang dahilan, nagkasagutan umano ang dalawa na umabot sa  pagbubunot ng patalim ni Ronaldo Edio at makalimang ulit nitong sinaksak  ang kaibigang si Rodel Fukbit.

Daahil hindi napuruhan, nakabunot pa ng kalibre .45 baril si Fukbit at binaril sa dibdib at tiyan ang kumpareng si Edio.

Kapwa nalugmok sa lupa ang dalawa at hindi na nakaabot sa ospital na nakatakda pa sanang makipaglibing sa kaibigang namatay kinaumagahan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply