2 pang suspek sa Ramgen slay kinasuhan na

KINASUHAN din sa wakas sa Parañaque Regional Trial Court (RTC) ang dalawa pang suspek sa pagpatay kay Ramgen Revilla na sina Michael Altea at Roy Francis Tolisora.

Ayon sa report, matapos maglabas ng resolusyon ang Parañaque Prosecutor’s Office na may nakita silang “probable cause” na mag-uugnay sa dalawa sa kaso.

Isinampa ang kaso sa sala ni Judge Fortunito Madrona ng Parañaque RTC branch 274.

Kaugnay ng kaso, hindi naman natuloy kanina ang pagbasa ng sakdal kay Ramon Joseph “RJ” Bautista, kapatid din ng biktima at pinaghihinalaang sangkot din sa krimen, dahil sa mga pending na mosyon mula sa defense at prosecution panels.

Maagang dumating sa korte si RJ na una nang kinasuhan ng murder at frustrated murder kasabay ng kanyang kapatid na si Maria Ramona o Mara, na noong November 4 pa tumakas patungong Turkey.

Gayunman, matutuloy na umano ang arraignment ni RJ sa Enero 17, 2012.

Samantala, ayon sa National Bereau of Investigation, wala na sa Turkey si Mara.

November 5 umano dumating ang kapatid ni Ramgen sa Turkey, ngunit hindi ito nagtagal sa nasabing lugar at umalis din sa kaparehong petsa kasama ang asawa.

Nahihirapan umano ang International Police Organization (Interpol) na hanapin si Mara dahil bukod sa dalawa ang passport nito ay wala pang kaso ang suspek kaya hindi nila ito mailagay sa red alert.

Ayon sa Interpol, napakadali para kay Mara ang mag-disguise at umalis sa Turkey gamit ang isa pa niyang passport at magtungo sa isang bansang walang extradition treaty ang Pilipinas.

Matatandaang sinabi ng kanilang inang si Genelyn Magsaysay na hindi niya mapababalik ang anak na babae dahil sa Turkey talaga ito nakatira at may-asawa na ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply