2 pasahero tangkang i-orgy ng taxi driver

“KINALADKAD po niya kami papasok sa taxi niya, tapos pinaghihipuan ang suso at pinahawakan sa amin ang kanyang ari saka dinala niya kami sa motel at kinuha niya iyong P1,500 na pera namin.”

Ganito isinalaysay ng dalawang dalagita na sina Amor, 14 at Ellen, 16 ang kanilang karanasan sa kamay ng ipinaarestong  taxi driver na si Benjamin Agustin, 45, ng Palmera Compound, Camarin Caloocan City kay Manila Mayor Alfredo Lim, nang iharap sa alkalde ang suspek kaninang tanghali.

Sa sumbong ng dalawa, ipinasok umano sila sa motel ng suspek sa planong magsasagawa silang tatlo ng sex orgy sa Queensland Motel sa Santa Mesa, Manila kung saan upang makapasok at huwag mahuli ay kinailangan pang ilagay si Amor sa back compartment ng taxi upang makalusot sa mga motel personnel.

Nang hindi tanggapin ang dalawa sa nasabing hotel dahil napansin ng mga roomboy na masyadong bata si Ellen ay lumipat sila sa Liliw Hotel.

Sa loob ng hotel, dito na pinagbantaan na papatayin ang dalawa saka puwersang pinaghubad ng suspek.

Nang hindi pumayag ang dalawang dalagita ay walang nagawa ang suspek kundi isakay na lamang sa taxi ang dalawa at ibinaba sa isang lugar sa may Galas, Quezon City dakong  11 ng gabi.

Nagkataon umanong may dumadaan na mobile, dahilan para humingi ng tulong ang dalawang biktima kung saan hinarang ang suspek at saka inaresto.

Bago ang insidente, ayon pa sa pahayg ng dalawa, pumasok sila sa 7-11 na nasa Tondo, at paglabas nila ay nakita sila ng suspek, nilapitan at inalok na ihahatid na sa kanilang bahay.

Gayunman, nang sumakay sila ay dinala ang dalawa sa madilim na lugar at doon ay sapilitang pinapasok sa compartment ng taxi si Amor habang idiniretso naman sa Queensland Hotel  ang taxi kasama si Ellen na pinaupo sa harapan ng taxi.

Itinanggi naman ng susek sa harap ng alkalde ang paratang sa kanya.

“Sumakay sila sa akin, ang sabi nila  hindi sila pasahero, at gumimik na lang daw kami.”

Sinabi pa ng suspek na ‘yong kinuha niyang pera sa  mga biktima ay pera niya rin na una niyang ibinayad sa mga ito sa kanilang serbisyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply