2 Pinoy crew kabilang sa pinalaya ng Somali pirates

PINALAYA na ng mga Somali pirates kapalit ng $2 milyong ransom ang 25 crew kabilang ang dalawang Filipino na na-hijack sa Port of Salalah, Oman may ilang buwan na ang nakalilipas.

Ayon sa report ng Somalia sa website kagabi (Nobyembre 3),  pinalaya  ang MV Blida at 25 crew matapos na matanggap at mapaghatian  ng mga pirata  ang nasabing ransom mula sa may-ari ng barko

Orihinal  umanong hiniling ng mga pirata ang halagang $7 million na bumaba naman sa $2 milyon.

Bukod sa dalawang Filipino crew ng MV Blida, kasama ring binihag ang 17 Algerian, anim na Ukrainian, isang Jordanian at isang Indonesian

Ayon sa report, ang ransom ay natanggap ng Somali pirates noong Miyerkules (Nobyembre 2) ng gabi at pinalaya ang  barko at crew nito kahapon ng umaga.

Ang  mga crew ay binihag ng mga pirata noong Enero 2011 matapos silang ma-hijack habang naglalayag sa 130 miles southeast  ng Port of  Salalah, Oman patungong Dar es Salaam, Tanzania.

Buwan ng Agosto naman ng magbanta ang mga pirata na papatayin ang mga crew at humingi ng $4 milyon hanggang $7milyon na ransom.

Nabatid na ang MV Blida ay mina-manage ng Sekur Holdings Inc. na nakabase sa Greece habang ang registered owner nito ay ang International Bulk carriers of Algeria, subsidiary ng Algerian National Company of Navigation. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply