2 police off’l masisibak sa P5,000 ‘kotong’

POSIBLENG masibak sa tungkulin ang dalawang police colonel ng Philippine National Police na nakatalaga sa PNP Aviation Security Group matapos magharap ng reklamo ang isang babaeng pasahero na patungong Singapore ng pangongotong.

Kinilala ni Interior and Local Government Secretary Jesse M. Robredo, ang dalawang PNP official na nahaharap sa reklamo na sina Senior Superindent (Col.) Amado Hernandez  at Superintendent (Lt.Col.) Eulogio Lovello Fabro, kapwa nakatalaga sa PNP Aviation Security Group sa Diosdado Macapagal International Airport, Clark, Pampanga.

Ayon sa DILG chief, na siya ring chairman ng Napolcom, irerekomenda niya na mapasailalim sa administrative relief ang dalwang police officer habang isinasagawa ang investigation sa kaso ng dalawa.

Ang reklamo laban kina Hernandez at Fabro ay unang idinulog sa DILG chief ni dating Isabela congressman at ngayon ay Isabela vice-governor Rodito Albano, matapos lumapit at  humingi ng tulong dito ang kanyang kababayan na complinant na si Mary Ann Delgado.

Ang dalawang PNP official ay sumasailalim ngayon sa summary dismissal hearing dahil sa Section 42 ng Republic Act 6975 as amended by Section 53 of RA 8551 in relation with Napolcom Memo Circular 2007-001.

Ang Napolcom ay collegial body at policy-making office ng PNP, na magsisiyasat sa kaso ni Hernandez at Fabro ani pa ni Robredo.

Nabatid sa reklamo ni Delgado, ng Binguang, San Pablo, Isabela, dakong  11:00 ng umaga nitong nakalipas na October 3, 2011, nakatakda sana siyang mag-check in sa Diosdado Macapagal International Airport, para sa isang Singapore trip kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Brigida Estorquia at Nonilona Cureg.

Nang ang bagahe ni Delgado ay dumaan sa airport’s X-Ray machine, ang personnel na nakatalaga doon ay namataan ng huli na siya ay may dalang mahigit sa P20,000 cash at nabigong makapagpakita ng compliance ng Central Bank Circular na ang “excess money na mahigit sa P10,000 ay dapat ideklara sa  Bureau of Customs office.

Agad dinala si Delgado sa loob ng airport ng PNP ASG office at dito niya nakilala si Senior Superintendent Hernandez na nakauniporme at nakasuot ng name tag sa kanyang dibdib at isang lalaki na naka-jacket na nakilala na si Supt. Fabro.

At dito na umano hiningan ang complinant na si Delgado ng pera ng dalawang opisyal na umabot sa P 5,000 at dahil sa takot na baka hindi makasakay sa eroplano ay napilitan itong magbigay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply