2 pumatay sa gobernador ng N. Oriental, tiklo

NATIKLO ng pulisya ang dalawang kalalakihang pinaniniwalaang kinontrata para patayin si Negros  Oriental Governor Roel Degamo.

Sinabi ni Senior Superintendent Edward Carranza, provincial police director, na ang mga suspek na sina Anthony Eleuterio at German Escora ay isinailalim na sa masusing interogasyon at ngayon ay nakadtine na sa Siaton Police Station.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nadakip ang mga suspek kagabi (Nobyembre 10), ilang metro lamang ang layo sa bahay ni Degamo sa Barangay Bonawon, Siaton town.

Bago ito, nabatid na nakatanggap ang mga security pesonnel ni Degamo ng impormasyon na may presensiya ng dalawang hired killers sa lugar.

Humingi naman agad sa pulisya ang mga Degamo security personnel at ilang minuto lamang ay nadampot ang hindi nakapalag na mga suspek.

Sinabi ni Carranza, na nakumpiska nila sa mga suspek ang ilang klase ng armas, bala at bomba na hinihinalang gagamitin para pasabugan ang bahay ni Degamo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply