2 sundalo utas sa bakbakan sa Kalinga

DEAD on the spot ang dalawang kagawad ng Philippine Army makaraang tambangan ng mga hinihinalang kasapi ng communist Party of the Philippine-New Peoples Army sa Balbalan, Kalinga sa ulat ng military kanina.

Base sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, kinilala ang ang mga namatay na sina Cpl. Jeffrey Delos Santos ng Tuguegarao City, Cagayan at Pfc Micholle Alipio ng Allacapan, Cagayan.

Sa impormasyon ibinahagi ng 501st Infantry Brigade ng Philippine Army na nakabase sa Kalinga, maghahatid lamang ng medical voluteers ang mga sundalo nang tambangan.

Patungo ang tropa ng militar at non-government organizations para sa isasagawang medical mission sa Barangay. Dao Angan, Balbalan nang tambangan ng humigit kumulang 15 NPA.

Tumagal ng halos isang oras ang putukan pero wala naman umanong nadamay na sibilyan.

Naniniwala naman ang pamahalaan na mayroong namatay at nasugatan sa panig ng mga rebelde dahil sa mga bakas ng dugo sa pinangyarihan ng engkuwentro.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply