2 suspek sa Ramgen slay lumantad na

LUMANTAD na ang dalawa pang suspek sa pagpatay kay Ramgen Revilla.

Kusang lumantad ang magkasintahang sina Norwin dela Cruz at Glaiza Vista na sinasabing nagsilbing middleman sa naganap na pamamaslang.

Mariing pinabulaanan ng dalawa ang mga akusasyon na may kinalaman sila sa pagpatay kay Ramgen gayundin sa tangkang pamamaslang sa kasintahan nitong si Janelle Manahan.

Kasalukuyang nasa isang safe house na ang dalawa at anumang oras ay nakatakdang magbigay ng kanilang sinumpaang salaysay sa pulisya.

Nauna nang inihayag ng Parañaque Police ang posibilidad na maging star witness si Vista sa nasabing kaso.

Samantala, tukoy na ng pulisya ang katauhan ni Alyas Bryan na isa rin sa mga itinuturong suspek sa pagpatay kay Ramgen. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply