2 taon nagtago sa batas, batang rapist nahuli

BUMAGSAK na kahapon (Nobyembre 15) sa kamay ng mga tauhan ng Caloocan police warrant section ang isang binata na may kasong rape at dalawang taong nagtago sa batas.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Carlos M. Flores ng Malabon RTC branch 73 dinakip ng  tauhan ni P/Sr. Insp. Reynalo Vadez, ang suspek na si Jimmy Predas, y Orata, 37, binata, ng 116 Magsaysay St., 6th Ave, East Gracepark ng nasabing lungsod.

Base sa rekord ng korte ang biktimang si Juvy Iligan (hindi tunay na pngalan.) 16, ng Kalaanan Compound Caloocan City ay sapalitang dinala sa loob ng Malabon Hotel at paulit-ulit na pinagsamantalahan ng suspek noong 2009.

Dahil sa labag sa loob ng biktima ang pangyayari, nagsampa ito ng kasong rape in relation to RA 7610 laban sa suspek sa sala ni Judge Flores ng Malabon RTC.

Ganap na alas-2:00 ng hapon ng makatangap ng tawag ang tanggapan ng warrant section na ang suspek ay nakita na kanilang bahay sa Grace Park Caloocan kung kaya’t agad inatasan ni Valdez ang kanyang tauhan bitbit ang warrant.

Walang piyansang ipinagkaloob ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Predas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply