2 timbog sa pamemeke ng pera

NAARESTO ng awtoridad ang dalawang lalaki na hinihinalang sangkot sa sindikato ng pamemeke ng pera sa Quezon City.

Nahuli sa pamamagitan ng isang entrapment operation ng QCPD intelligence unit kagabi (Nobyembre 7) sa Cubao si Alvino Inot alyas “Erwin Cabrera” at kasama nito

Nangangako umano ang mga suspek sa kanilang mga bibiktimahin na kaya nilang triplehin ang anumang halaga ng perang papel na ibibigay sa kanila ng biktima.

Bukod sa pamemeke ng pera, napag alaman din na mayroon ding nakuhang P300,000 halaga ng mga diyamante mula sa isang Lilia Jagoreles.

Sinabi ni Jagoreles na nagpakilala sa kaniya ang mga suspek na nagsabi na nais nilang bumili ng lupa subalit sa kalaunan ay tinangay na lamang ng mga ito ang kanyang mga diyamante. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply