2 tinarakan ng riding in tandem

KRITIKAL ang dalawang katao matapos pagsasaksakin ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na sakay sa isang motorsiklo kaninang madaling-araw sa Caloocan City.

Nakaratay at ginagamot sa UST Hospital sanhi ng mga tinamong tama ng saksak sa katawan sina Lambert Gan, 32, at John Constantino, 26, na pawang mga taga Caloocan.

Mabilis namang tumakas ang mga hindi pa nakikilalang suspek sakay ng kanilang getaway na motorsiklo na hindi naplakahan.

Ayon sa ulat dakong alas-12:20 ng madaling-araw, bumibili ng burger si Gan sa Bankal st., Amparo Subd. nang dumating ang mga suspek lulan ng isang motorsiklo.

Agad na nilapitan ng isa sa mga suspek si Gan at walang salitang inundayan ito ng saksak sa katawan kung saan tinangka namang tumulong ni Constantino subalit tinarakan din ito sa likod.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply