2 todas, 27 sugatan sa pagsabog sa Zamboanga City

DALAWANG tao ang namatay habang 27 iba pa ang nasugatan sa naganap na pagsabog sa isang pension house sa Zamboanga City kagabi (Nobyembre 27).

Kinilala ang isa sa mga nasawi na si Noel Delgado na timaan ng mga shrapnel sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Karamihan sa mga biktima ay nag-check-in sa pension house para dumalo sa isang kasal na gaganapin sana ngayong araw.

Sa lakas ng pagsabog, nawasak ang ikalawang palapag ng pension house at nagkaroon din ng sunog na tumagal din ng 30 minuto.

Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad kung anong uri ng explosive device ang ginamit sa nasabing pagpapasabog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply