2 todas sa sumalpok na motorsiklo sa Naga

DEAD ON ARRIVAL sa pagamutan ang dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo nang sumalpok ang kanilang sasakyan sa isang passenger bus sa Maharlika Highway, del Rosario sa Naga City.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga biktima na sina Rodrigo Mitra, 34, ng San Pascual, Masbate at Chirstian Andrei Manrique, 29, ng St. Paul Subdivision, Palestina, bayan ng Pili sa Camarines Sur

Hindi na umabot pa nang buhay sa Bicol Medical Center ang dalawang biktima matapos salpukin ang kanilang motorsiko ng isang Mega Bus Line na minamamneho ni Joel Balbas, 47, ng Tagun-tagon, Leyte.

Sa salaysay ni Balbas, bigla na lamang umano sumulpot sa kanyang harapan ang motorsiklo dahilan upang hindi niya na ito naiwasan.

Boluntaryo namang sumuko ang tsuper ng bus at ngayon ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply