2 todas sa walang humpay na pag-ulan

DALAWA na ang naitatalang namatay dahil sa walang humpay na pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa bunsod ng low pressure area (LPA).

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nalunod si Bryan Reyes, 19-anyos habang nagingisda sa isang dating quarry site sa Barangay La Paz, Bamban, Tarlac.

Si Nemia Quares naman ay natabunan ng landslide sa Sitio Bangbang, Calizo sa Balete, Aklan.

Dalawa rin ang naitalang nasugatan sa magkahiwalay na landslide sa Capiz at Aklan, base sa NDRRMC.

Nabatid na siyam na bayan at 58 barangay ang naapektuhan ng patuloy na pag-ulan na dala ng LPA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply