2 utas sa SEAG football stampede

NASAWI ang dalawang tao habang naka-comatose ang isang batang lalaki matapos ang madugong stampede sa pinakamalaking stadium sa Jakarta, Indonesia kung saan idinaos ang 26th Southeast Asian Games football finals.

Habang isinusulat ito ay hindi pa nakukuha ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Ayon sa ulat, nagkagulo ang mga tao at nagkatulakan sa ticket barriers nang isara ng mga pulis ang gate sa pagsisimula ng laro.

Nagpumilit umano ang mga tao na pumasok sa final ng laro sa loob ng stadiam na 88,000 katao lamang ang kapasidad.

Ang siyam na taong gulang na batang lalaki ay kasalukuyan pang nakaratay sa isang ospital matapos umano itong bumagsak at maapakan pa ng mga nagtutulakang tao.

“As we were entering the stadium, the crowd of people pushed each other to make their way forward,” ayon sa isang Helmi na kamag-anak ng nasaktang bata.

Ayon kay Helmi, naitulak palayo sa kanya ang bata at narinig na lamang niya na may bumagsak at dalawang katao agad ang nasawi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply