20 % diskuwento sa mga guro isinusulong

ISINUSULONG sa Kamara ang pagbibigay ng 20 porsiyentong diskwento sa pamasahe, health services, hotel, restaurant at recreational facilities sa mga guro sa pampublikong paaralan sa pamamagitan ng kooperasyon at koordinasyon ng gobyerno sa mga pribado at pampublikong kompanya.

Batay sa House Bill No. 5410 na iniakda nina Reps. Christopher Co, Rodel Batocabe at Alfredo Garbin Jr., ng AKO Bicol Party-list, na dapat ding bigyan ng 20% diskwento ang mga guro mula sa government-owned
and controlled corporations o private entities na nag-o-operate ng public transport facilities.

Gayundin sa mga ospital, medical and dental services, kabilang ang gamot mula sa botika at drug companies; sa hotels, lodging houses, restaurants at eateries, at recreational facilities, gaya ng cinema houses, circuses, carnivals; at mga gym o iba pang pasilidad na nagkakaloob ng physical fitness program.

Nakapaloob din sa panukala na bibigyan ng prayoridad ng mga lending institution ng gobyerno ang mga pampublikong guro na maka-utang para matustusan ang livelihood at iba pang income-generating projects.

Gayunman, nililinaw sa panukala na ang pribilehiyong diskwento at benepisyong nabanggit ay para lamang sa mga guro at hindi dito kabilang ang kanilang mga kaanak.

Pinapayagan din sa panukala na ibawas ang magiging kwenta sa taxable income ng public at private entities na nagbigay ng diskwento.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply