20 pasahero istranded sa Cagayan

DAHIL sa mataas na alon ay hindi muna pinayagan ng Philippine Coast Guard (PCG) makabiyahe ang ilang mga pasahero sa Cagayan.

Ayon sa nakarating na ulat kay PCG spokesperson, Lt.Cmmd.Algier Ricafrente, umaabot na sa 20 katao ang hindi makabiyahe dulot ng malalaking alon.

Sa report ni Senior Chief Petty Officer Ernesto Renon ng Philippine Coast Guard Aparri (PCG), 16 sa mga ito ay patungong Camiguin Island habang ang apat namang pasahero ay patungong Maconacon, Isabela.

Pansamanttala naman umanong nakituloy ang mga na-istranded na pasahro sa bunk house ng LGU Maconacon sa bayan ng Sta. Ana, Cagayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply