20 pasahero ng bus natangayan ng P100K

AABOT sa 20 pasahero ng pampasaherong bus kabilang ang sugatan na babae ang natangayan ng P100,000 halaga ng alahas at salapi ng apat na miyembro ng “estribo gang” sa Quezon City kaninang umaga.

Ayon sa report ni PO3 Venerando Trago, desk officer ng Quezon City Police District Kamuning Station 10, dakong 7:15 ng umaga nang holdapin ng apat na katao ang may 20 pasahero ng Malanday Metro Link Bus (TYH- 641) sa Edsa, Quezon City kanina.

Sa imbestigasyon, patungo umano sa direksiyon ng Cubao galing sa Malanday, Valenzuela City ang nasabing pampasaherong bus na kinalulunan ng mga biktima.

Habang tinatahak ang Edsa at pagsapit sa may Fil-Am Subd. sa Quezon City ay biglang nagdeklara ng holdap ang apat na lalaki na armado ng .45 kalibreng baril at patalim.

Napag-alaman na isa sa 20 pasahero na si Tessie De Guzman ay tinangayan ng mga suspek ng iTouch cellphone nagkakahalaga ng P30,000.

Isa pang pasahero ay pinalo ng baril ng isa sa mga holdaper.

Ayon sa konduktor na si Doming Mando, makaraang tutukan ng baril at patalim ng mga suspek ang mga pasahero ay tinangay  sa kanila ang mga alahas at salapi na ayon sa pulisya ay nagkakahalaga ng mahigit na P100,000.

Makaraang makuha ang pakay ng mga holdaper sa mga pasahero ay bumaba ang mga ito sa may MRT-GMA, Edsa.

Sa pagdulog ng mga biktima sa nasabing himpilan ng pulisya, nakilala ang isang suspek sa photo file ng pulisya na si John Marshan, alyas Jomar ng No. 8 Scout Ybardolaza, Barangay Scout Area, Quezon City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply