20 trak ng bala diniskarga sa Mindanao

ALL-OUT WAR!

Ito ang pangamba ngayon ng libong residente sa ilang bayan sa Mindanao na nakikiramdam kung maglulunsad na ng all out offensive ang militar laban sa  lawless element na target ng all out justice ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino.

Kasunod ito ng nasaksihang pagbababa ng bulto-bultong military hardware and ammunition sa headquarters ng Army 6th Infantry (Kampilan) Division ng Philippine Army sakay ng 20 six-by-six truck galing sa isang Navy ship na dumaong sa Polloc Port, Parang, Maguindanao.

Nabatid na lumikha ng agam-agam sa maraming residente sa bahagi ng Maguindanao, North Cotabato, Lanao Del Sur, Sultan Kudarat at Cotabato City ang pagdating ng bulto-bultong bala sa panig ng militar na tila nagbabadya ng paghahanda sa isang malaking laban.

Marami naman ang naniniwala na posibleng naghahanda ang militar sa maaaring pagsiklab ng malaking kaguluhan sa Central Mindanao kasunod na rin ng nangyaring sagupaan sa Al Barka na ikinamatay ng 19 sundalo.

Subalit nilinaw ng 6th ID Deputy chief at spokesman Col. Manuel Ochotorenan, na bahagi lamang ito ng kanilang regular logistic supply mula sa general headquarters.

Magugunitang ilang ulit nang inihayag ng AFP na nakahanda silang tugisin ang lawless elements na pakay ng kanilang law enforcement operation laban sa grupo ni Wanning Abdulsalam at mga tauhan nito at maging si Dan Laksaw Asnawi na sinasabing miyembro ng MILF na responsable sa pamumugot sa 10 kagawad ng Philippine Marines sa bayan din ng Al Barka.

Kaugnay nito, dumating na sa Basilan ang mga miyembro ng International Monitoring Team (IMT) na pinamumunuan ni Capt. Khalid Jaafar.

Pakay ng grupo na malaman ang tunay na nangyari sa Albarka Basilan noong Oktubre 18.

Nagpulong ang grupo sa mga lokal na opisyal ng lalawigan.

Hindi naman humarap sa media si Jaafar pero ayon kay Vice Gov. Al Rasheed Sakalahul, gusto lang malaman ng grupo kung sino sa AFP at MILF ang lumabag sa ceasefire agreement.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply