200 bala ng machine gun nasabat ng military

NASABAT ngayon ng mga tauhan ng Philippine Army ang isang sasakyan na may kargang 200 piraso ng bala para sa 50 caliber machine gun, ayon sa ulat ng military sa Lanao Del Sur.

Sinabi ni Army Col Daniel Lucero, commander ng Phil. Army 103rd Infantry Brigade, bandang alas-8:50 ng umaga isang kulay asul na multi can ang pinigil ng mga tauhan ng Bravo Company, 65 Infantry Battalion na nagmamantina ng isang checkpoint sa bisinidad ng Barrio Berwar Tatayawan, Tamparan, Lanao Del Sur.

Sakay ang mga bala na gamit para sa mga high powered firearms gaya ng Barret Sniper Rifle na iilan lamang ang mayroon sa Pilipinas ng multicab (MDY 479), na minamaneho ni Alexander Bangita Macalnas, 26-anyos, residente ng Bo Maranao Timber Dalama, Ditsaan Ramain, LDS.

Sa inisyal na pagsisiyasat, binili umano ng ibang tao ang mga nasamsam na bala na hindi naman kakilala ng driver ng nasabing sasakayan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ngayon ng 65th IB ang driver at nakumpiskang kargamento habang patuloy ang isinasagawang tactical interrogation sa suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply