2,000 tuko nasabat sa Gensan

HALOS 2,000 tuko ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng CIDG Region 12 , National Bureau of Investigation at Department of Environment and Natural Resources sa Baranagay Lagao, General Santos City.

Nabatid na isang concerned citizen ang nagsumbong na talamak sa bentahan ng tuko ang nasabing lugar.

Nabatid na pinamumunuan ng isang nagpakilalang Mario Legaspi ang grupo ng Mindano Development Ventures Trade Commision na may pakana sa nasabing bentahan ng tuko. Iginiit nito na may permit ang kanilang paghuli at pagbebenta ng mga tuko na mariin namang pinabulaanan ng pamunuan ng DENR.

Naabutan ng mga atworidad ang ilang mga kulungan ng mga tuko na may habang anim hanggang pitong pulgada.

Nabatid na nakatakdang ibenta ni Legaspi ang mga tuko sa mga katransaksyon mula sa Gensan, Maraui City.

Ang isang maliit na tuko ay nagkakahalaga umano ng P3,00 habang ang malaki ay umaabot sa P10,000 kada isa.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng DENR ang mga nasabat na tuko

Naging talamak ang paghuli, pagbebenta at pagbili ng tuko mula nang mapaulat na nakagagaling ang naturang hayop sa ilang mga sakit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply