2007 poll fraud tatalakayin na sa SC

DIDINGGIN ngayon ng Supreme Court (SC) en banc ang petisyon ng kampo ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na kumikuwestiyon sa imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) at Commission on Elections (Comelec) sa umano’y dayaan noong 2007 elections.

Kabilang sa unang tatalakayin sa oral arguments ay kung naaayon sa Konstitusyon ang paglikha ng joint DOJ-Comelec preliminary investigation committee at fact-finding team.

Paguusapan din ngayong araw kung sinunod ba ng nasabing panel ang due process sa ginawang imbestigasyon nito.

Didinggin din ng Korte Suprema ngayong araw ang petisyon ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na kumukwestyon sa pagsasampa ng kasong electoral sabotage laban sa kanya
sa Pasay City Regional Trial Court (RTC).

Gaganapin mamayang alas 2:00 ng hapon ang oral arguments sa constitutionality ng isinagawang preliminary investigation ng DOJ-Comelec panel sa kasong isinampa laban sa dating Pangulo kaugnay ng umano’y dayaan noong 2007 elections.

Matatandaan na hiniling ng kampo ni Ginang Arroyo na ipawalang-bisa ang pagbuo sa joint panel na nagresulta sa pagsasampa ng kasong kriminal at pag-aresto sa dating Pangulo noong Nobyembre 18.

Matapos ang oral arguments, inaasahang magdedesisyon din ang Korte Suprema hinggil sa pagpapalabas ng temporary restraining order (TRO) na posibleng magpalaya kay Ginang Arroyo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply